-- Advertisements --
nancy pelosi 5
Nancy Pelosi

Muling pupulungin ni US House Speaker Nancy Pelosi ang mga mga mambabatas ngayong linggo para pagbotohan ang panukalang magbabawal sa U.S Postal Service na magpatupad ng kahit anong pagbabago sa kanilang operasyon o serbisyo.

Ito’y kasunod ng pagkabahala ng nakararami dahil di-umano’y sinusubukan ng administrasyon ni US President Donald Trump na isabotahe ang naturang ahensya sa kasagsagan ng coronavirus pandemic habang pinapalawig ng mga estado ang kanilang mail-in voting options.

Sa sulat na natanggap ng mga Democratic lawmakers, nanawagan din si Pelosi sa kaniyang mga kasamahan na magsagawa ng coordinated news event sa mga post office na nasa kanilang mga distrito.

“In a time of a pandemic, the Postal Service is Election Central. Americans should not have to choose between their health and their vote,”

Dagdag pa ni Pelosi na iaanunsyo ni House Democratic Leader Steny Hoyer ang magiging schedule sa mga susunod na linggo.

Nakatakdang pag-usapan ng mga House Democrats ang tungkol sa schedule sa pamamagitan ng isang conference call ngayong araw. Inaasahan naman na magsisimula ang session sa susunod na Sabado.

Una nang umapela ang mga mambabatas sa mga pinuno ng Postal Service na tumestigo sa gaganapin na emergency oversight hearing sa Agosto 24 ukol sa mail delays.

Nais kasing marinig ng House Oversight and Reform Committee ang paliwanag nina Postmaster General Louis DeJoy at chairman ng Postal Service bpard of governors na si Robert “Mike” Duncan.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang ahensya hinggil sa nasabing imbitasyon,