-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita si United States Commerce Secretary Gina Raimondo sa Pilipinas sa Marso 11-12 bilang bahagi ng trade and investment mission ni Pangulong Joseph Biden sa Maynila.

Ayon kay Adrienne Watson, tagapagsalita ng White House National Security Council, ipadadala si Raimondo sa bansa upang pahusayin ang kontribusyon ng US companies sa innovation economy ng Pilipinas, connective infrastructure, clean energy transition, critical minerals sector at food security.

Dagdag pa ni Watson, ang US presidential mission ay magpapatibay sa Pilipinas bilang isang hub ng regional supply chain and high-quality investment.

Ang Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Marcos ay nag-renew ng ugnayan nito sa tradisyunal na kaalyado na Estados Unidos, na may pinaigting na military bases access para sa American troops at mas malaking joint military drills sa gitna ng tensyon ng China sa West Philippine Sea.