-- Advertisements --

Patay si US skier Kyle Smaine matapos na matabunan sa naganap na avalanche sa Japan.

Isa ang 31-anyos na skier sa 13 nasawi sa naganap na avalanche sa Nagano, Japan.

Ayon sa mga otoridad na patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang ilang mga biktima na posibleng natabunan na.

Kuwento ng kasama nito na si Grant Granderson na isang phtographer, na pinigilan na niya si Smaine na mag-ski subalit nagpumilit ito hanggang mangyari ang aksidente.

Si Smaine ay naging kampeon ng 2015 Freestyle sik and Snowboarding World Championship.