-- Advertisements --

Sinimulan na ng US carrier strike group ang kanilang operasyon sa West Philippine Sea kahit na nagkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng US at China.

Ayon sa US Navy na agad na bumuntot sa kanila ang dalawang barko ng China noong simulan nila ang mission.

Ang Nimitz Carrier Strike Group ay binubuo ng aircraft carrier, isang guided missile cruiser at tatlong guided missile destroyers.

May kakayahan aniya ang nasabing mga Carrier Strike Group na ipagtanggol ang sarili sa anumang anggulo.

Layon ng nasabing paglalagay ng US ng kanilang Carrier Strike Group ay para mapigilan ang ginagawang pagpapalakas ng presensiya ng China sa nasabing rehiyon kung saan nagsasagawa na sila ng mabilisang modernisasyon at expansion ng kanilang military at nuclear capabilities.