-- Advertisements --
Binatikos ng US ang ginawang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Russia.
Sinabi ni US Secretary of State Antony Blinken na tila niloloko ng Russia ang mga tao dahil ito ay suportado ng China.
Nais rin na pagtakpan din ng China ang isyu ng paglabas ng arrest warrant ng International Criminal court kay Russian President Vladimir Putin dahil sa war crimes na ginawa nito sa Ukraine.
Ipinapakita kasi ng China na tila walang pananagutan si Putina kaya niya ito dinalaw imbes na kondinahin na lamang niya ito.
Magugunitang nasa Russia si Xi para mamamagitan at hikayatin si Putin na tigilan na ang paglusob nito sa Ukraine.
Umabot sa apat na oras ang pag-uusap ng dalawang lider para sa tatlong araw na pagbisita ni Xi sa Russia.