-- Advertisements --
Nagbigay ng mabigat na babala ang US sakaling mauwi sa wala ang pag-uusap nila ng Iran.
Ayon kay White House press secretary Karoline Leavitt, na mas nais ni Trump na magkaroon ng kapayapaan kaysa tumindi pa ang giyera.
Dagdag pa nito na nakita ni Trump na nagkaroon na ng matinding pinsala at mga nasawi kaya marapat na ito ay matigil na.
Subalit kapag nagmatigas ang Iran aniya na hindi pa rin tinanggap na sila ay natalo na ay hindi magdadalawang isip aniya ang US President na paigtingin ang pag-atake.
Mayroon din inaayos ang White House ng isang pag-uusap sa pagitan nila ng Iran.
















