-- Advertisements --

Nagsasagawa sa kauna-unahang pagkakataon ng multilateral maritime security operations exercises sa Red Sea ang United Arab Emirates, Bahrain, Israel at US Naval Forces Central Command (NAVCENT).

Ayon sa isang naval officer ng Israel na ang pagsasanay nila sa puwersa ng US ay malaking tulong para malabanan ang pananakop ng Iran sa nasabing rehiyon.

Noong nakaraang taon din ay naging normal na ang diplomatic relations ng UAE at Bahrain dahil sa tulong ng Israel at US deal o kilala bilang Abraham Accords.

Ang limang araw na exercises ay kinabibilangan ng USS Portland vessels na siyang tutulong para mapalakas ang puwersa ng mga bansang kalahok.