-- Advertisements --

Nakatakdang bawasan ng US ang mga sundalong nakatalaga sa Iraq ngayong buwan.

Ayon kay General Kenneth McKenzie ang commander ng Middle East, nais nilang gawin lamang sa 3,000 ang bilang ng mga nakatalagang sundalo mula sa dating 5,200.

Ang mga matitira aniya ay siyang tutulong sa mga Iraqi security forces laban sa mga jihadist group Islamic State (IS).

Magugunitang noong nakaraang buwan ay ipinahayag ni US President Donald Trump na kaniyang tatanggalin na ang mga sundalo sa Iraq.

Layon ng pagbawas ng US ng mga sundalo sa Iraq ay dahil mas tumitindi na ang ginagawang paglaban ng mga security forces ng Iraq laban sa mga teroristang grupo.