-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni US Attorney General William Barr sa pagpapakalat nila ng federal agents sa malaking bahagi ng US.

Sinabi nito na mahalaga ang paglalagay ng mga federal agents para mabantayan ang mga violent rioters.

Sa kaniyang pagsasalita sa US Congress , sinabi nito na inaatake na ng mga protesters ang gobyerno ng US.

Magugunitang iniutos ni US President Donald Trump na maglagay ng mga federal agents sa maraming lugar sa US upang mabantayan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Inireklamo naman ng mga alkalde sa pangunahing lugar sa US ang mga federal agents na sila pa ang nagiging sanhi ng kaguluhan sa nasabing lugar.