-- Advertisements --

Napatay ng US at Somali force ang senior lider ng Al-Shabaab militant group na si Maalim Ayman na nag-ooperate sa Somaiia at Kenya.

Ayon sa Somali Minister for Information Daud Aweis, naganap ang engkuwentro noong Disyembre 17.

Ang nasabing lider ay siyang nagsagawa ng pagplano ng ilang madugong terror attacks sa Somalia at kalapit na bansa nito.

Siya ang itinuturong nasa likod ng pagkasawi ng US at Kenyan personnel sa Manda Bay Airfield sa Kenya noong Enero 5, 2020.

Naglaan ang US ng $10 milyon na reward sa sinumang makakaaresto sa nasabing suspek.