-- Advertisements --
Inanunsiyo ng US at Saudi Arabia ang panibagong 24-oras na ceasefire sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces.
Ayon sa Saudi Foreign Ministry na magsisimula ang ceasefire ngayong Hunyo 10 ng ala-6 ng umaga.
Nagkasundo ang dalawang panig na payagan ang pagdaan ng mga humanitarian aid sa buong Sudan.
Dagdag pa dito na magkasama ang US at Saudi Arabia sa pagdamay sa mga Sudanese sa kanilang pagkadismaya sa nangyayaring kaguluhan.
Magugunitang idineklaera ng foreign ministry ng Sudan bilang “persona non grata” si Volker Perthes ang special representative ng United Nation Secretary General sa Sudan.