Muntik ng magkabanggaan ang warship ng Russia at US sa Arabian Sea.

Ayon sa US Navy, agresibong lumapit sa kanilang kinaroroonan ang Russian navy ship.

Kasalukuyan kasing nagsasagawa ng routine operations ang US destroyer ng mangyarin ang insidente.

Limang beses na bumusina ang USS Farragut bago tuluyang nagpalit ng ruta ang barko ng Russia.

Pinabulaanan naman ng Russian Defence ministry ang pangyayari at inakusahan pa ang US sa paglabag ng international rules.

-- Advertisement --

Naging professional pa ang crew nila na umiwas na makabangga nila ang barko ng US.