-- Advertisements --

Mahigit 50 fighter jets ng US at Japan ang sabay na lumipad bilang pagpapakita ng puwersa.

Isinagawa ang paglipad ng kanilang mga eroplano sa karagatang sakop ng Japan kung saan nagaganap ang tensiyon sa pagitan nila ng Russia at China.

Kasama sa military exercises ang F-22 stealth fighter ng US Air Forces, apat na F-35 stealth Jets at 13 F-15 jets.

Ayon sa Japanese Defense Ministry ipinalipad din nila ang kanilang 20 Japanese F-15 at F-2 fighter ganun din ang tatlong US reconnaissance and support aircraft.

Lumipad ang mga ito sa Sea of Japan, Pacific Ocean at East China Sea.

Magugunitang ikinagalit rin ng China ang pagpapalipad ng US ng kanilang mga eroplano sa karagatan sakop nila.