-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng US at India ang pagkakaroon nila ng malaking respeto sa human rights.

Sa ginawang pagbisita sa White House ni Indian Prime Minister Narendra Modi, ay tinalakay ng dalawang lider ang pagpapatibay ng relasyon ng US at India.

Pinalawig din ni Biden ang educational visas sa mga India kung saan posibleng madagdagan pa ang 125,000 na estudyante na India para makapag-aral sa US.

Natalakay din ng dalawang lider ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia kung saan handa silang mamamagitan para matigil na ang kaguluhan.