-- Advertisements --

May mga inihahanda ng mga economic sanctions laban sa Russia ang maraming bansa.

Ito ay matapos ang isinagawang annexation o pag-aankin sa ilang bahagi ng Ukraine.

Nanguna dito ang G7 foreign ministers ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, US at High Representative of the European Union.

Mariing kinokondina ng G7 foreign ministers ang ginawang pag-agaw ng Russia sa lupain ng Ukraine.

Sa panig naman ng US tiniyak ni President Joe Biden na hindi sila natatakot sa anumang banta ng ginagawa ng Russia sa Ukraine.

May mga dagdag din na tulong ang US sa UKraine.

Magugunitang idineklara ni Russian President Vladimir Putin na bahagi ng kanilang bansa ang mga lugar ng Ukraine na Donetsk, Luhansk, Kherson at Zaporizhzhia .