-- Advertisements --
Matagumpay na nakabalik na sa mundo si Record-breaking NASA astronaut Frank Rubio.
Kasama niyang nakabalik sa mundo sina Russian cosmonauts Sergey Prokopyev at Dmitri Petelin lulan sila ng Russian Soyuz MS-23 capsule at lumapag sa Kazakshtan.
Nanatili si Rubio ng kabuuang 371 na araw sa International Space Station.
Dahil dito ay nagtala siya ng record na may pinakamatagal na astronaut na nananatili sa microgravity at naging unang American na tumagal ng mahigit isang taon.
Nahigitan nito ang dating record na naitala ni Mark Vande Hei noong 2022 na nanatili sa kalawakan ng 355 na araw.
Mayroong kabuuang 157.4 milyon na milya ang kanilang biyahe at nakumpleto ang 5,963 orbits ng daigdig.