-- Advertisements --
Personal na binisita ng US actor at komediyanteng si Ben Stiller ang Ukraine.
Bukod sa pagiging actor kasi ay siya rin ang ambassador para sa United Nations refugee agency.
Dagdag pa ng 56-anyos na actor na labis siyang nalungkot sa mga nakausap niyang mga mamamayan ng Ukraine kung saan ikinuwento nila ang kanilang kalagayan.
Nakausap din nito si President Volodymyr Zelenskiy kung saan itinuring niyang ito bilang bayani.
Umaasa ito na bumuhos ang tulong sa Ukraine lalo sa mga mamamayan na naapektuhan ng kaguluhan.