-- Advertisements --

Tila may tensyon agad na nabuo, bago pa man magsimula ang “Super Tuesday” na konektado sa 2020 presidential elections sa Estados Unidos sa darating na Nobyembre.

Ito’y matapos buweltahan ni dating US Vice President Joe Biden si dating New York Mayor Michael Bloomberg sa pahayag nitong wala siyang taglay na karanasan upang maging sunod na pangulo ng Amerika.

Ayon sa 77-year-old former vice president, sa naturang asal ng 78-year-old businessman billionaire ay hindi ito maituturing na Democrat.

Maliban sa dalawang bagong nagpatutsadahan, tatlo pang Democrats na kinabibilangan nina Senator Bernie Sanders, Senator Elizabeth Warren, at Hawaii Congresswoman Tulsi Gabbard, ang maglalaban-laban upang harapin si Republican President Donald Trump.

Sa “Super Tuesday” sa Amerika o simula ngayong gabi Manila time, 14 na estado at territories ang boboto kabilang ang California, Texas, North Carolina, Virginia at Massachusetts, para sa magiging Democratic candidate sa November presidential election.

Sa ngayon ay nakuha ni Biden ang endorsement ng mga umatras na Democrat candidates na sina dating Indiana Mayor Pete Buttigieg at Minnesota Senator Amy Klobuchar. (CNN/BBC and NYTimes photo)