-- Advertisements --

Nabigong makapasok sa round of 16 ang Urguay kahit na nagwagi sila 2-0 kontra Ghana sa Group H ng FIFA World Cup sa Qatar.

Unang nakapagtala ng puntos para sa ranked number 14 na Uruguay ay si Giorgian de Arrascaeta sa laban na ginanap sa Al Janoub Stadium.

Pagpasok ng second half ay pinilit ng ranked number 61 na Ghana na maitabla sa 1-1 ang laro subalit muling nakapasok ang goal ng Uruguay.

Dahil sa goal difference ay pasok sa Round of 16 ang Portugal na nanguna sa Goup H na mayroong seven points habang ang South Korea ay nasa pangalawang puwesto na mayroong apat na puntos.