Kasabay ng ginagawang pagtiyak ng Marcos administration tungkol sa pagiging sapat ng suplay ng enerhiya sa bansa, magsasagawa ng update ang Department of Energy sa nuclear road map ng Pilipinas.
Ayon sa Office of the Press Secretary, magsisilbing gabay ang gagawing pag-update sa Nuclear Energy Program Implementing Organization at Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee na tutugon sa mga hamong kinakaharap ng bansa patungkol sa nuclear energy program.
Matatandaang ang paggamit ng nuclear power ay isa sa mga importanteng Ikinokonsidera ng pamahalaan na gamitin sa harap ng katiyakang hindi kakapusin ng suplay ng kuryente ang bansa.
Kasabay nito ay ilalatag din ng Energy department at ng National Power Corporation ang renewable energy development program, kabilang na ang hybridization ng diesel generating facilities gayung 89 percent ng energy generation at capacity mix ng off-grid areas ay galing sa oil-based sources.