Hinimok ng University of the Philippines (UP) ang mga estudyante at alumni ng paaralan na silipin na ang kanilang Facebook accounts, kasunod ng kumakalat na mga pekeng account.
Ayon sa advisory na inilabas ng UP, nakatanggap ng maraming report ang kanilang mga campuses hinggil sa naglipanang dummy accounts na gamit ang pangalan ng ilang estudyante.
“The University of the Philippines System has received reports that fake or dummy Facebook accounts have been created for UP students, officials, and alumni,” batay sa advisory.
“We urge the members of the UP community to check their names and accounts and to make the proper report to the Data Protection Officer of Facebook.”
Aapela daw ang UP sa National Privacy Commission para matulungan ang mga estudyante at alumni na mai-report ang nasabing mga account sa Data Protection Officer ng unibersidad sa Facebook.
Sa nakalipas na linggo maraming estudyante at aktibista ang nag-tipon sa ilang campuses ng UP para i-protesta ang pagtutol nila sa isinusulong na Anti-Terrorism Bill.
May naaresto pang anim na indibidwal sa Cebu campus dahil umano sa paglabag sa social gatheting protocol ng general community quarantine.