-- Advertisements --

Ipinanukala ngayon ng UP-OCTA Researh Team na dapat isailalim ang Bacolod City sa Negros Occidental province sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ).

Kasunod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Ayon kay Dr. Ranjit Rye napupuno na raw kasi ang mga health facilities doon dahil sa naire-record na COVID-19 casesna mahigit 100 kada araw.

Dahil dito, nananawagan na raw sila sa Inter Agency Task Force (IATF) at National Task Force (NTF) na i-revisit at i-recalibrate ang quarantine protocols sa naturang siyudad.

Ang panukala nila ay para matulungan na rin ang mga health workers dahil sa paglobo ng kaso ng virus doon sa nakaraang dalawang linggo.

Sa ngayon, ang Bacolod City ay nasa general community quarantine (GCQ).

Sa ilalim ng GCQ, pinapayagan ang 50 percent ng mga employees na mag-report sa kanilang mga trabaho at 10 hanggang 50 percent ng mass transport ang pinapayagan.