Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hinihintay pa nila ang validation report ng UP National Institute of Health (UP-NIH) kaugnay ng ginawang field validation sa locally developed COVID-19 test kits.
Ayon kay FDA director general Eric Domingo, nitong nakalipas na Miyerkules sana nakatakdang ipasa ng UP-NIH ang naturang report kasabay ng pagtatapos sa ginawa nilang field validation.
Nitong araw nang ianunsyo ng UP Office of the Student Regent na ready to roll out na simula bukas ang 26,000 test kits sa 6 na ospital.
Sa isang post kamakailan, sinabi ni DOST Sec. Fortunato de la Peña na katuwang nila ang UP-NIH sa field implementation ng test kits simula bukas, April 4 hanggang April 25.
Samantala, ibebenta naman commercially ng manufacturer na Manila HealthTek ang natitirang test kits sa ipinangakong murang halaga na P1,300.