Sinimulan na ng mga Marine scientists mula sa University of the Philippines (UP) Marine Science Institute ang kanilang October-leg research expedition sa West Philippine Sea (WPS).
Kabilang sa mga UP marine scientists na magsasagawa ng expedition sina Dr. Cesar Villanoy, Dr. Fernando Siringan, Dr. Deo Florence Onda at Dr. Hazel Arceo (UP Cebu).
Sumakay ang mga ito sa MY Panata na nakatakdang magsagawa ng Pag-asa Island Research Station (PIRS) refurbishment plans.
Sinamahan sila ng mga research associates na sina Dr. Dennis Tanay ng National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) at Dr. Jay Batongbacal ng Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea (UP IMLOS).
Base naman sa assessment sa isinagawang summer expeditions, sinabi ng UP Marine Science Institute pangungunahan daw ng research team ang pagsasaayos at installation ng bagong features kabilang na ang solar panel system.
“The team hopes to have PIRS ready for future research endeavors in Pag-asa Island and around WPS,” ayon sa UP Marine Science Institute.
Kung maalala, sa isang press conference noong Agosto 2, sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na mas maraming research vessels umano ang binili ng UP Marine Science Institute na dagdag sa ating naval assets.