-- Advertisements --

Pina-recall o pinabawi muna ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 test kits na dinevelop ng mga eksperto mula UP dahil sa ilang depekto na nakita sa produkto.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, may minor problem na na-diskubre sa test kits habang vina-validate ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Hindi na binanggit ng opisyal kung anong problema ang nakita ng mga eksperto pero pinabawi muna ang naturang test kits na unang pinamahagi sa ilang ospital.

Nakausap na raw ng DOH ang UP experts, na ngayon ay nasa final stage na ng pagtatama sa mga nakitang depekto ng kits.

Asahan umano na sa susunod na linggo ay iva-validate na muli ito ng RITM.

“Nakausap namin sila noong nakaraang araw, at nasa final stages na sila in correcting the deficiency of the kits. So by next week, maipapa-validate na sa RITM ‘yung UP testing kits.”

Sa ngayon nasa 7.9-percent na ang positivity rate ng Pilipinas sa COVID-19. Mas mababa na ito sa 10-percent benchmark ng World Health Organization.