Nakatakdang dumalo ngayong araw si Department of Tourism Secretary Christina Frasco sa isang high -level meeting kasama ang mga tourism leaders sa Commission Meeting ng United Nation World Tourism Organization sa Phnom Penh , Cambodia
Tatalakayin sa nasabing dalawang araw na pagpupulong ang tamang proteksyon sa mga turista at pag-uusapan rin ang post pandemic travel trends.
Ayon kay Secretary Frasco, higit na kailangan na magkaroon ang bansa ng aktibong partisipasyon sa pandaigdigang larangan ng turismo sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tatagal ng dalawang araw ang pagpupulong at matatapos ito bukas.
Kung maaalala, ang Pilipinas ay kabilang sa mga naging founding member ng United Nation World Tourism Organization mula ng maitatag ito noong 1975.
Ito ay isang ahensya na responsable sa pagtataguyod ng responsible ,sustainable at universally accessible tourism.