Naglabas ngayon ng mandato ang NBA kung saan inaatasan ang mga players at team personnel na magsumite ng lingguhang COVID-19 tests results ang mga hindi pa nagpabakuna.
Ang naturang direktiba ay ipapatupad sa pagsisimula ng bagong season ng NBA na aarangkada na sa buwan ng Oktubre.
Nilinaw naman ng NBA na hindi na kailangan na magsumite ng testing results kung saan ang isang player na hindi bakunado ay kagagaling lamang sa pagrekober mula sa COVID-19.
Ang naturang bagong mandato ng liga ay pinaburan umano ng National Basketball Players Association.
Kung maalala noong nakalipas na NBA season ay naging malaking isyu ang hindi pa rin pagpapabakuna ng Brooklyn superstar na si Kyrie Irving na maraming pagkakataon na hindi pinayagang pinalaro lalo na kung may home games sa New York.
Sa ngayon naman halos lahat na ng mga players ay tumanggap na ng kanilang bakuna at hinihikayat din ang mga ito na sumailalim na rin sa boosters na inirekomenda ng Centers for Disease Control and Prevention.