-- Advertisements --

Maraming bansa na kasali sa 2015 Iran nuclear agreement ang mariing tinututulan ang hinihingi ng Estados Unidos sa United Nation na ibalik ang sanction nito laban sa Iran.

Noong Biyernes ay nagpadala ng sulat ang ilang myembro ng United Nations Security Council sa kanilang presidente bilang pagtutol sa Amerika. Kasama sa nasabing sulat ang apat sa limang permanent council members habang ang iba naman ay non-permanen members, kasama ang Germany.

Sinabi ng administrasyon ni US President Donald Trump na sinusubukan umano ng Iran na lumabag sa limitasyon ng kanilang uranium production na nakapaloob sa 2015 Iran nuclear agreement.

Una nang ipinaalam ni US Secretary of State Mike Pompeo sa council president ang kanilang binabalak na maglunsad ng isang proseso na magpapanumbalik sa sanction ng UN sa Iran. Tinatawag itong “snapback” mechanism sa nuclear agreement.

Dito ay papayagan ang kahit sinong partido na kasali sa kasunduan na magdemand sa UN Secuirty Council na ibalik ang sanctions sa Iran kung sakaling lumabag ang nasabing bansa sa naturang agreement.

Ayon sa Russia at China, wala umanong karapatan ang US na humingi ng pabor sa UN hinggil sa sanction dahil tinalikuran nito ang nuclear agreement.