-- Advertisements --

Kabilang na sa pag-aaralan ngayon ng Commission on Audit ang bilyon-bilyong piso na hindi na-remit ng DepEd habang sinasala ng Korte Suprema ang mga isyu na itinaas sa tatlong petisyon laban sa secret funds ni vice president at education secretary Sara Duterte.

Batay sa 2022 audit report, ang unremmitted funds na P4.47 billion sa premium contributions at loan amortizations ay ibinawas na sa suweldo ng mga empleyado ng DepEd.

Sa parehong taon, binandera din ng COA ang Office of the Vice President dahil sa report na si Duterte ay na-disbursed ng hindi bababa sa P125 milyon sa loob ng 11 araw bilang bahagi ng confidential and intelligence funds.

Hindi bababa sa tatlong magkahiwalay na petisyon para sa certiorari at mandamus ang inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa disbursement ng P125 milyon.

Noong Miyerkules, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na isang associate justice ang inatasang pag-aralan ang mga isyung iniharap sa tatlong petisyon at hinihintay ng mataas na hukuman ang tugon ng gobyerno sa tatlong demanda.

Sa kaso ng unremitted DepEd funds, sinabi ng COA na sa premium contributions at loan amortization ang karamihan ay may kinalaman sa Government Service Insurance System (GSIS), na naglalantad sa mga empleyado sa penalties at pagkakait sa kanila ng loan privileges.

Bukod sa GSIS contributions, natukoy din ng mga auditor ang nonremittance ng premium contributions at loan amortizations sa Home Development Mutual Fund (HDMF, o ang Pag-Ibig Fund) na nagkakahalaga ng P193.7 milyon.