diin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mawawalan ng connectivity ang mga indibidwal na hindi nakapagrehistro ng kanilang Subscriber Identity Module (SIM) pagsapit ng alas-12:01 ng Hulyo 26.
Kapag na-deactivate ang isang SIM, sinabi ni Uy na mawawalan ng access ang isang user sa kanilang numero.
Ang mga user ay hindi makakatawag o makakapag-text at mawawalan din sila ng access sa kanilang mga e-wallet.
Kung matatandaan, noong Oktubre 10, 2022, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Republic Act No. 11934, An Act Requiring the Registration of Subscriber Identity Module (SIM), o ang SIM Registration Law.
Batay sa nilalaman ng batas, ang hindi pagrehistro ng umiiral na SIM sa loob ng mga panahong itinakda dito ay magreresulta sa awtomatikong pag-deactivate ng SIM.
Ang na-deactivate na SIM ay maaari lamang i-reactivate pagkatapos ng pagpaparehistro alinsunod sa nasabing batas.
Pagdidiin ng DICT, layunin ng nasabing batas na protektahan ang mga mamamayan mula sa mga mapanlinlang na gawain na ginagawa sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono at text messages.