Muling binigyang diin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang hindi pa narerehistrong SIM cards ay awtomatikong ma-dedeactivate pagsapit ng 12:01 ng Abril 27.
Pinaalalahanan ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo ang publiko na ang huling araw ng pagpaparehistro ng SIM card ay sa Abril 26.
Batay sa pinakahuling datos ng departamento, humigit-kumulang 64.1 milyong SIM cards pa lamang ang nakarehistro sa buong Pilipinas.
Dagdag pa ng opisyal, wala pang pinal na desisyon sa posibleng pagpapalawig ng panahon ng pagpaparehistro ng SIM card.
Ang naturang pagpapalawig ay sumasaklaw sa 120 days na extension.
Kinakailangan ng isang batas ang pagpaparehistro ng lahat ng aktibong SIM upang makatulong na maalis ang mga scam na talamak sa ating bansa.
Top