-- Advertisements --
Jose Archangel

LEGAZPI CITY – Ipinauubaya na lamang ng Commission on Elections (Comelec) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyon sa susunod na alkalde ng bayan ng Jovellar, Albay.

Ito ay matapos na bawian ng buhay ang nag-iisang tumatakbong kandidato sa pagka-alkalde sa bayan na si dating Mayor Jose “Boy” Archangel.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Provincial Elections supervisor Atty. Maria Bo-Bunao, malabo ang substitution sa kaso ng namaalam na dating alkalde sa bayan, dahil naghain ito ng kandidatura bilang independent candidate.

Sa gayon, walang kapartido na maaari sanang humalili.

Tinitingnang posibilidad ng Comelec ang “rule of succession” kung saan ang bise alkalde ang hahalili sa pumanaw na alkalde, habang ang topnotch councilor ang bise alkalde.

Subalit nilinaw ni Bunao na DILG na ang may poder sa pagdedesisyon sa ganitong kaso na posibleng matalakay oras na matapos na ang eleksyon sa 2022.

Abiso pa rin sa pamilya na magtungo sa Comelec law department para sa mas malinaw na paliwanag.