-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Unlimited na gulay at prutas ang pinamigay sa pagsimula sa nationwide Barangayanihan program ng Pulisya.

Hindi kagaya ng ibang community pantry na nilimitahan ang pagkuha ng pagkain dito sa Bula Police station kahit mahihirapan sa pagkarga sa dalang gulay, prutas, bigas, personal care at marami pa walang sisita.

Mismong mga personahe ng nasabing police station ang tumutulong sa mga Misis na dalhin ang kanilang makukuha habang iba naman enjoy na namimitas ng nakabitay na produkto.

Unang pinasalamatan ni Lt Omar baret ang kanilang partner na nagbigay sa kanilang produkto na 100% na kuha sa kanilang bukirin.

Dahil hindi naubos pinamigay na lamang ng pulisya sa mga bahay ang naiiwang prutas at gulay.