Inaprubahan na ng Board of Regents (BOR) ng University of the Philippines (UP) ang nominasyon ng anim na mga official candidates para sa posisyon ng susunod na UP President.
Sa inilabas ng UP na statement inanunsiyo din ang mga pangalan ng mga kandidato na siyang papalit kay UP President Danilo Concepcion.
Ang mga nominees ay kinabibilangan nina Dr. Patrick Alain T. Azanza, Atty. Salvador B. Belaro, Jr., Atty. Angelo A. Jimenez, Dr. Fidel R. Nemenzo, Dr. Benito M. Pacheco, at Dr. Fernando C. Sanchez, Jr.
Sinasabing ang mga nabanggit na mga pangalan ay dumaan na rin sa preliminary screening at evaluation batay sa minimum requirements.
Nag-abiso na rin ang UP na isang public forum ang isasagawa sa Nov. 11 kung saan lahat ng anim na UP presidential candidates ay magpipresenta ng kanilang mga programa at sasagot sa mga katanungan mula sa UP constituency.