Nanawagan si United Nations Children’s Fund chief Catherine Russell sa Israel at Gaza na magsagawa na ng “ceasefire” dahil sa matinding kagutuman at malnutrisyon ng mga kabataan sa Gaza.
Naniniwala siya na mahalaga ang bawat segundo sa mga kabataan kaya naman kailangang matugunan na ang lumalalang problema na kinahaharap ng mga ito.
Inaasahan namang magpapatuloy pa rin ang peace talks sa pagitan ng dalawang naglalaban na bansang Israel at Gaza na gaganapin sa Egypt, ngunit hindi pa rin tiyak ang mga detalye patungkol sa posibleng six week pause na suhestiyon sa kabila ng patuloy na nangyayaring gera.
Kasama sa kasunduan ng nasabing framework ay ang pagpapalalaya ng Hamas sa mga may sakit, sugatan, matatanda, kabataan at maging sa mga kababaihang bihag nito.
Samantala, patuloy pa rin ang iringan sa pagitan ng Israel at Gaza kasabay ng walang habas na pag-atake ng Israel sa isang shelter sa Rafah at tinatayang 17 ang nasawi habang 50 ang bilang ng nasugatan at ilan sa mga apektado ay mga kabataan.