-- Advertisements --
image 61

Ibinida ng Catanduanes State University (CatSU) ang kanilang campus na sa makabagong solar panel na kumukuha ng suplay ng kuryente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CatSU President Patrick Alain Azanza, ngayong Hunyo lamang ng kasalukuyang taon sinimulan na ilagay ang mga solar panels na kayang makapag-suplay ng kuryente sa 13 establishimento ng unibersidad kabilang na ang gymnasium.

Hindi tulad ng ibang solar panel, detachable o maaari itong matanggal tuwing may bagyo kung saan underground o nasa ilalim pa ng lupa ang wirings nito kung kaya’t mas matagal na mapapakinabangan.

Naisipan ng unibersidad na ipagawa ang proyekto dahil sa madalas na power interruptions sa lalawigan.

Tinatayang nasa P700,000 hanggang P1.5 million ang posibleng matipid ng unibersidad sa gastos lalo pang pamahal ng pamahal sa ngayon ang singil sa kuryente ng mga power distributors.