-- Advertisements --
image 104

Nakapagtala ng mas mababang bilang ng unemployment rate sa bansa ang Philippine Statistics Authority noong buwan ng Abril.

Ito ay matapos na bumaba sa 4.5 percent ang naitalang unemployment rate sa Pilipinas noong Abrul na mayroong katumbas na 2.26 million na mga Pilipinong walang trabaho.

Sa datos, mas mababa ito kumpara sa 4.7 percent o 2.42 million na mga Pilipinong walang trabaho na na una nang naitala noong buwan ng Marso, na halos katumbas na rin ng 4.8% na naitala noong Enero.

Samantala, pagdating naman sa underemployment rate noong Abril 2023 ay bahagyang nakapagtala ang mga kinuukulan ng pagtaas nito sa 12.9%, na may katumbas na 6.20 million na mga Pilipino.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa 11.2% na una nang naitala ng PSA noong buwan ng March 2023.

Ngunit ang datos na ito noong Abril ay ‘di hamak na mas mababa kung ikukumpara sa naitalang datos noong Enero 2023 na mayroong 14.1% at Abril 2022 na mayroong 14%.