Andi underwater 2

Ibinida ni Andi Eigenmann ang kakaibang photoshoot nila ng kasintahang surfing champ na si Philmar Alipayo.

Ito’y ilang araw matapos ang marriage proposal ni Alipayo sa 30-year-old actress kung saan nakuha naman nito ang matamis na “oo” bilang sagot.

Sa paglalarawan ng anak ng veteran actress na si Jaclyn Jose, inilarawan nito bilang “breathtaking and magical” ang kanilang impromptu photoshoot hanggang sa malalim na bahagi ng karagatan.

“She said YES! I love you so much. So happy to spend the rest of my life with you. Promise to take care of you, Ellie, Lilo and our coming baby number 3 and to make you laugh more and more every day. Together hinay hinajan nato maabot an ato mga pangandoy sa ato kinabuhe para sa ato pamilya. Mahal ko kamo karajaw gikan sa tibook nako kasing2,” caption ng 27-year-old surfer mula Siargao.

Sa panig ni Eigenmann, inamin nito na hindi niya inasahan na siya na pala ang babaeng nais makasama ni Alipayo habambuhay.

“I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one. It would’ve been ok regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more. Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. That is how I want the rest of my life to be. I am over the moon,..”

Nabatid na baby boy na ang nasa sinapupunan ni Andi, habang babae ang kanilang panganay na one year old pa lamang.

Mayroon na ring anak si Andi kay Jake Ejercito na si Ellie na una nang nagsabing nais nito ng kapatid na lalaki.