-- Advertisements --

ROXAS CITY – Hindi naiwasan ng isang Thai woman na unang nahawaan ng 2019 coronavirus (n-cov) sa kanilang bansa na maging emosyonal matapos ibahagi ang karanasan.

Ayon kay Bombo International Correspondent Cleo Rose Jondonero, limang taon nang nagtatrabaho sa Tak, City Thailand bilang guro, nagbakasyon sa Wuhan, China si Jaimuay Saeng, 73-anyos, noong Christmas 2019 kasama ang pamilya para salubungin na rin ang Bagong Taon.

Nagsimulang magkasakit ang biktima sa pagbalik na nito sa Thailand noong Enero 3, 2020, kung saan dinala ito ng kanyang pamilya sa Nokornpathom hospital at isinailalim sa monitoring sa loob ng ilang araw.

Matapos ang medical test ng mga espesyalistang doktor sa puso at respiratory illnesses, natukoy na infected ito ng coronavirus.

Hindi naging madali kay Saeng na malayo sa kanyang pamilya, ngunit wala itong nagawa dahil gusto niyang gumaling.

Pagkaraan ng siyam na araw na paggamot, na-discharge naman ito sa ospital at nakauwi na sa kanyang pamilya.