Nakuha ng Golden State Warriors ang pinakaunang panalo ngayong season matapos patumbahin ang Sacramento Kings sa kanilang paghaharap.
Ito ay sa pamamagitan ng magandang opensa, gamit ang 55.2% na shooting efficiency.
Sa unang kwarter, hawak ng Kings ang lead ngunit agad bumawi ang Warriors sa ikalawang kwarter. Muli silang nagbuhos ng sunod-sunod na puntos sa kabuuan ng 3rd kwarter kayat naabot ang 15-point lead.
Pinilit din naman ng Kings na makabawi sa huling kwater ngunit hindi na ito pinayagan pa ng GS.
Nagtapos ang naturang laban sa 122 – 114, pabor sa GS.
Binuhat ng husto ni Stephen Curry ang Warriors sa pamamagitan ng kanyang 41 point performance habang 18 points naman ang naging ambag ng kanyang Splash buddy na si Klay Thompson.
Sa ikalawang game ni Chris Paul kasama ang Warriors, nag-ambag din ito ng 10 points 12 assists.
Nasayang naman ang 39 point-performance ni De’Aaron Fox, kasama ang 19pts 17 rebs double-double ni Domantas Sabonis sa kanilang pagkatalo.
Susunod na makakalaban ng Kings ang Los Angeles Lakers habang ang Rockets naman ang nakatakdang makakaharap ng Warriors. And dalawang laban ay kapwa gaganapin sa Lunes, Oktobre-30, oras sa Pilipinas.