-- Advertisements --

Kinumpirma ng China ang pagkakaroon nila ng unang human infection ng H10N3 bird flu strain.

Ayon sa National Health Commission ng China (NHC) na isang 41-anyos na lalaki mula sa Zhenjiang ang dinala sa pagamutan noong Abril 28 dahil nakaranas ito ng matinding trangkaso.

Matapos ang isang buwan ay na-diagnosed ito ng H10N3.

Paglilinaw naman nila na ang posibilidad ng hawaan nito ay napakaliit.

Bumuti na ang nasabing kalagayan ng pasyente at walang anumang sintomas ang mga naging close contacts nito.

Maraming mga strains ng mga bird flu ang nadiskubre sa mga hayop sa China subalit ang malawakang outbreaks sa mga tao ay madalang.

Nangyari ang huling human epidemic ng bird flu ng China noong 2016 hanggang 2017 sa pamamagitan ng H7N9 Virus.

Base sa pagtaya ng United Nations’ Food and Agriculture Organization na mayroong 1,668 ang dinapuan ng H7N9 virus na kumitil ng 616 ng buhay mula pa noong 2013.