-- Advertisements --

Maaaring hindi umano nakuha ng unang kaso ng hantavirus ang sakit habang nasa cruise ship na MV Hondius, ayon sa isang eksperto mula sa World Health Organization (WHO).

Ayon kay Anais Legand, technical expert on viral hemorrhagic fevers sa WHO, ang incubation period sa sakit o panahon mula nang ma-impeksyon at sa pagsisimulang lumabas ng mga sintomas, ay nasa pagitan ng isa at anim na linggo.

Sa kaso ng 70 anyos na Dutch national passenger, na isa sa walong kumpirmado at pinaghihinalaang kaso ng hantavirus, na unang nagkasakit, nagsimula siyang makitaan ng mga sintomas gaya ng lagnat, pananakit ng ulo at mild diarrhea noong Abril 6, saka ito nakaranas ng respiratory distress noong Abril 11 at binawian ng buhay habang nasa barko sa parehong araw.

Kayat, ang unang kaso ay posible umanong hindi na-impeksiyon sa barko o sa isa sa mga islang aniya’y patungo sa Cape Verde.

Ang naturang Dutch national ay malinaw aniya na nagkaroon na ng exposure na konektado umano sa rodent o daga bago pa man sumakay sa barko.

Samantala, kasalukuyang naglalayag na ang barko patungo sa Canary Islands ng Spain matapos ang tatlong araw na pamamalagi malapit sa Cape Verde mula noong Linggo.

Ang Hantavirus ay karaniwang naihahawa mula sa isang infected rodent o daga sa pamamagitan ng ihi, dumi o laway.

Maaari rin itong maihawa sa tao sa isang strain lamang na tinatawag na “Andes virus,” na na-detect sa parehong buhay na kumpirmadong kaso ng hantavirus.

Ang case fatality rate para sa Andes virus ay maaaring umabot ng 40%, na itinuturing na “high.”

Base naman sa initial evidence mula sa WHO, ang Andes virus ay maaaring maihawa mula sa isang tao patungo sa ibang tao sa pamamagitan ng close contact gaya ng “exchange of salivas” o couple kiss.