-- Advertisements --

Natanggap na ng Philippine Air Force ang unang batch ng medium-altitude long-endurance unamanned aerial vehicle (UAVs) mula sa Israel.

Ayon kay Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, mayroong dalawang malalaking drones na isang uri ng Hermes 450.

Inaasahan din na mayroon pang mga darating na ibang order sa mga susunod na taon.

Noong Agosto ay dumating ang nasabing unang batch ng drones.