-- Advertisements --
Inaasahang darating na sa susunod na linggo ang unang delivery ng COVID 19 bivalent vaccine na donasyon ng ibang bansa.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, kabuuang 391,000 doses ng nasabing bakuna ang inaasahang darating sa Pilipinas na maaaring magamit ng bansa.
Paliwanag ni Vergeire, ang Bivalent Vaccines ay modified o binago na bakuna na tinatarget ang mga naglalabasang Omicron Variants at maging ang mga subvariants nito, kasama na ang orihinal na uri ng virus.
Ayon pa sa opisyal, nakikipag-ugnayan na ang DOH sa COVAX Facility para sa karagdagan pang donasyon ng mga member-countries ng United Nations.
Kung maaprubahan, maaaring 2 million doses ng Bivalent vaccine ang makukuhang muli ng bansa.