-- Advertisements --
image 172

Sinimulan na ng Israel at Hamas ang apat na araw na tigil-putukan ngayong Biyernes, kung saan nakatakda ring palayain ng mga militante ang 13 Israeli na kababaihan at mga batang bihag. Ito ang unang cease fire sa halos pitong linggong digmaan.

Nagsimula ang tigil-putokan 7 a.m. oras sa Israel, at ala una naman ng hapon kanina oras sa Pilipinas. Susundan pa ito ng pagpapalaya ng ilan sa mahigit 200 bihag ng Hamas. Kapalit nito ay papalayain din ang ilang Palestinian prisoners na nakakakulong sa Israel.

Magbibigay naman ng mga karagdagang tulong medikal sa Gaza at sa mga unang bihag, kabilang na ang mga matatandang babae na papalayain mamaya 4 p.m. oras sa Israel, 10PM naman oras sa Pilipinas. Higit 50 ang inaasahang mapapalaya sa loob ng apat na araw na tigil putokan, ayon yan kay Qatar’s foreign ministry spokesperson Majed Al-Ansari.

Sinabi ng Egypt na 130,000 litro ng diesel at apat na trak ng gas ang ihahatid araw-araw sa Gaza kapag nagsimula ang tigil-putukan, at 200 trak ng tulong naman ang papasok sa Gaza araw-araw.