-- Advertisements --

Walang naging problema sa unang araw ng paggamit ng Land Transportation Office (LTO) ng mga automated handheld mobile device para sa mga paninikit ng mga lumalabag sa batas trapiko.

Sinimulan kasi ang paggamit ng nasabing mga kagamitan nitong Lunes Pebrero 6.
Ang hakbang ay bahagi ng digitalization ng ahensiya para mabawasan na ang anumang kurapsyon sa mga LTO traffic enforcers.

Sa nasabing gadget ay otomatikong naipapasok agad sa sistema ng LTO ang record ng mga natiketang motorista.

Magugunitang umaabot sa 1,200 na mga handheld device ang ipinakalat sa mga LTO sa iba’t-ibang rehiyon ng bansa.