-- Advertisements --

Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na magbigay ng bagong stable jobs para sa mga Pilipinong walang trabaho bago ikonsidera ang ibigay sa mga dayuhan.

Ginawa ni Gatchalian ang naturang panawagan sa gitna ng panukala na payagan ang pagpasok ng mga foreign workers sa bansa partikular na para sa mga flagship projects ng pamahalaan.

Noong nakaraang linggo ay sinabi Presidential Spokesperson Harry Roque na mayroong mga proposals na buskan ang mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations sa mga business travelers pero subjuct sa health protocols.

Pero ayon kay Gatchalian, dapat gawing prayoridad ng pamahalaan ang pagbibigay ng trabaho sa mga unemployed Filipino para suportahan ang public consumption ng bansa.

Dahil maraming Pilipino aniya ang walang trabaho, ibig sabihin ay mas kaunti lamang ding ang umiikot na pera sa ekonomiya ng bansa.

Kasabay nito ay nananawagan si Gatchalian sa Department of Labor and Employment, Department of Justice, at Department of Finance na i-monitor ang compliance ng mga foreign bidders o contract awardees sa mga batas ng bansa.