-- Advertisements --

Nagpasya ang United Nations Human Rights Council na magsagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng pang-aabuso ng mga sundalo ng Russia sa Ukraine.

Ito ay matapos na ibinahagi ni Ukraine’s Deputy Foreign Minister Emine Dzhaparova, sa emergenc sessions sa Geneva ng UN Human Rights Council ang mga nagaganap na pang-aabuso sa karapatang pantao sa kanila ng mga sundalo ng Russia.

Ilan sa mga insidente ay ang panggagahasa ng mga sundalo ng Russia.

Nauna rito ay bumisita ang kinatawan ng UN sa Ukraine at doon nadiskubre ang bangkay ng mahigit 1,000 sibilyan sa Kyiv region na pinaniniwalaang biktima ng summary execution.