-- Advertisements --
GAZA STRIKE

Nanawagan ang UN Security Council ng “extended humanitarian pauses” sa Gaza Strip.

Ang resolusyon, na inihanda ng Malta at pinagtibay na may 12 boto na pumabor na kung saan nanawagan ang konseho para sa agaran at pinalawig na humanitarian pauses sa buong Gaza Strip sa loob ng ilang mga araw.

Ang hakbang ay upang payagan ang tulong na maabot ang mga sibilyan sa kinubkob na teritoryo ng Israel.

Ayon kay Stephane Dujarric, tagapagsalita ng UN secretary-general, kailangan na sapat na mga bilang ng araw upang ma-mobilize ang mga resources ng mga kinakailangang tulong para sa mga residenteng apektado ng digmaan.

Nanawagan din ang UN security council para sa agarang pagpapalaya sa lahat ng mga bihag na hawak ng Hamas at iba pang grupo, lalo na ang mga kabataan.