Hiniling ng United Nations Security Council (UNSC) ang agarang tigil putukan sa pagitan ng Israel at Hamas militants sa Gaza.
Ito ay matapos na pinaburan nila ang US resolution na naglalayong magpatupad ng agarang tigil putukan.
Mayroong 14 na mga council member ang bumuto na pabor sa resolution habang ang US na siyang nagpanukala ay nag-abstains.
Sa nasabing 14 na bumuto ay 10 sa mga dito ay elected members ng council.
Kasama rin sa resolution ang pagpapakawala ng mga bihag ng Hamas.
Matapos ang botohan ay sinisi ni US Ambassador Linda Thomas-Greenfield ang Hamas dahil sa pag-antala na ipasa ang ceasefire resolution.
Tinawag naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang hindi pag-veto ng US sa nasabing resolution bilang isang pag-atras mula sa posisyon nila na puksain ang Hamas.
Nagpasya rin sila na hindi na magpapadala ng high-level delegation sa US para sa pag-uusap sana ng bagong peace deal.
Sa desisyon na ito ng Israel ay ikinadismaya ng White House dahil hindi na mapag-uusapan ang anumang alternatibo para sa pagpapatupad ng usaping pangkapayapaan.










